Ang Probinsyano Partylist liyamado sa Bohol, Cebu
(Pilipino Star Ngayon) - May 11, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Hindi na napigilan ng mga tao ang sobrang gigil sa kanilang iniidolong action superstar na si Coco Martin nang ito ay dumugin habang nasa isang rally sa lalawigan ng Bohol upang ikampanya ang #54 Ang Probinsyano Partylist.

Nagkaroon ng maliit na galos ang kanang pisngi ni Coco matapos akyatin at pilit siyang hawakan ng mga naghihiyawang fans habang sumasayaw at kumakanta ito sa entablado sa Dauis Gymnasium sa Bohol.

Hindi ito inalintana ni Coco na sa halip na magalit ay ipinagpatuloy ang kanyang performance upang matiyak na masaya ang libu-libo niyang fans at masigurado ang kanilang boto para sa #54 Ang Probinsyano Partylist.

Mula Dauis ay nagtungo si Coco kasama ang mga kinatawan ng #54 Ang Probinsyano Partylist sa Bohol Wisdom School Gymnasium sa Tagbilaran City para sa kasunod na malaking rally na inorganisa ng nangungunang kandidato sa pagka-gobernador na si Bohol Rep. Arthur Yap at Bohol Gov. Edgar Chatto na tumatakbo naman bilang kongresista. 

Mula sa isla ng Bohol ay lumipad si Coco at mga kinatawan ng #54 Ang Probinsyano sa Camotes Island at nagulat ang grupo sa dami ng taong dumagsa sa bayan ng San Francisco, Cebu upang masilayan ang grupo.

COCO MARTIN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with