^
May 13 idineklarang holiday
Nilagdaan kahapon ng Pangulo ang Proclamation 719 upang ideklarang special non-working holiday ang May 13 na araw ng eleksyon sa buong bansa.
Russell Palma

May 13 idineklarang holiday

Rudy Andal (Pilipino Star Ngayon) - May 10, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Idineklara ni Pangulong Duterte na special non-working holiday sa buong bansa ang darating na Lunes, May 13.

Nilagdaan kahapon ng Pangulo ang Proclamation 719 upang ideklarang special non-working holiday ang May 13 na araw ng eleksyon sa buong bansa.

Layunin nito na mabigyan ng pagkakataon ang mga botante na magamit ang kanilang karapatang bumoto ng susunod na local at national officials.

May rekomendasyon naman ang Department of Energy (DOE) na ideklara na ring holiday ang May 14 subalit hindi pa ito inaaksyunan ng Malacañang.

Nasa 61 milyong Filipino ang inaasahang boboto mula sa konsehal hanggang sa senador at partylists.

Nakatakdang bumoto si Pangulong Duterte sa darating na May 13 sa Daniel R. Aguinaldo National High School sa Davao City kung saan ay gagamitin nito ang ‘wooden chair’ na kanyang ginamit din noong bumoto siya sa 2016 elections kung saan ay nanalo siyang presidente.

2019 MIDTERM ELECTIONS SPECIAL NON-WORKING HOLIDAY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with