Coco, Yassi todo hataw para sa Ang Probinsyano Partylist
(Pilipino Star Ngayon) - May 6, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Non-stop at lalo pang itinotodo ng actor na si Coco Martin at leading lady nito na si Yassi Pressman ang paglilibot sa iba’t ibang bahagi ng bansa upang ikampanya ang #54 Ang Probinsyano Partylist.

Noong Huwebes ay pinangunahan ni Coco ang grupo ng #54 Ang Probinsyano Partylist sa ginawang pangangampanya nito sa siyudad ng Ormoc. Gaya ng ina­asahan ay dinumog ng tao ang aktor na mainit ding tinangggap ng kapwa artista at ngayo’y Ormoc City Mayor Richard Gomez at asawa nitong si Rep. Lucy Torres sa isi-na­gawang rally sa Ormoc City Superdome.

Wala pang isang linggo ang nakakalipas noong nag-ikot din si Coco sa lalawigan ng Albay at Camarines Sur upang hingin ang suporta ng mga Bicolano para sa #54 Ang Probinsyano Partylist.

Mula Ormoc at naka­takda ring maglibot sa ?May 9 si Coco sa lalawigan ng Bohol at sa Camotes Island upang tiyakin ang panalo ng #54 Ang Probinsyano Partylist. 

Kasabay nito ay lilibot rin si Yassi sa lalawigan ng Cebu na siya namang bumisita sa lalawigan ng Samar nung nakaraang martes.

Inaasahan din na pu­punta si Yassi sa lalawigan ng Ilocos Norte para paunlakan ang mga Ilokano supporters ng #54 Ang Probinsyano Partylist.

Maliban kay Coco at Yassi ay aktibong tumutulong sa kampanya ng #54 Ang Probinsyano Partylist ang iba pang showbiz personalities tulad ng aktres na si Ryza Cenon na isa sa mga pangunahing karakter sa teleseryeng The General’s Daughter at ang Viva artist na si Ella Cruz.

COCO MARTIN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with