Dating television reporter para sa ABS-CBN si Archad Ayao, 28-anyos, na tinambangan habang nakasakay sa motorsiklo sa kahabaan ng Ramon Rabago Avenue.
The STAR/John Unson
CHR kinundena ang pagpatay sa Bangsamoro human rights investigator
James Relativo (Philstar.com) - May 3, 2019 - 12:26pm

MANILA, Philippines — Ikinalungkot ng Commission on Human Rights ang pamamaslang isang imbestigador para sa Bangsamoro Commission on Human Rights nitong ika-1 ng Mayo , na itinuturing nilang bahagi ng serye ng mga atake sa mga tagapagtanggol ng karapatang pantao sa bansa.

Dating television reporter para sa ABS-CBN si Archad Ayao, 28-anyos, na tinambangan habang nakasakay sa motorsiklo sa kahabaan ng Ramon Rabago Avenue.

Napatay din sa parehong pamamaril ang kasamang habal-habal driver na si Pio Orteza, 42 taong gulang.

Parehong binawian ng buhay sina Ayao at Orteza matapos magtamo ng tama ng bala sa ulo, dahilan para ideklarang "dead on arrival" sa ospital.

"The growing number of human rights advocates who died in the hands of unidentified gunmen under the Duterte administration is gravely alarming for the Commission," ani CHR spokesperson Jacqueline de Guia na isang abugado.

(Nababahala ang Komisyon sa papalaking bilang ng napapatay na human rights advocates sa kamay ng mga 'di kilalang gunmen sa ilalim ng administrasyong Duterte.)

Aniya, patunay lamang daw ito na nakaaambag ang mga birada ni Pangulong Rodrigo Duterte laban sa karahasan.

Kilala si Digong sa kanyang maaanghang na pananalita laban sa mga kritiko ng pamahalaan at mga tumututol sa madugong "war on drugs."

"This will only result to the already ongoing climate of fear and will weaken the works and influence of human rights defenders in the country who continue to challenge all forms of injustices and hold people in authority to account," dagdag ni De Guia.

(Magreresulta lang ito sa papalalang kultura ng pagkatakot at pahihinain ang trabaho at impluwensya ng human rights defenders sa bansa na patuloy na humahamon sa lahat ng uri ng inhustisya at pagpapanagot sa mga nagkakasalang awtoridad.)

Tatlong taon nang naglilingkod si Ayao bilang imbestigador sa dating Autonomous Region in Muslim Mindanao na ngayo'y Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao.

Ayon sa mga ulat, naging mahalagang bahagi si Ayao ng pagsasadokumento ng human rights cases sa probinsya ng Maguindanao, Lanao del Sur, Basilan, Sulu at Tawi-Tawi.

Sinasabing nakasakay din daw ng motorsiklo ang mga suspek na dali-daling umalis  matapos mamaril.

Naniniwala ang mga kamag-anak at kaibigan ni Ayao na may kinalaman sa kanyang trabaho ang kanyang ikinamatay.

"We believe it was like that. Pio, his slain companion, has no known enemies. It could possibly be work-related," sabi ng kaibigan ni Ayao sa Bangsamoro regional government na tumangging magbigay ng pangalan.

(Naniniwala kaming ganoon nga ang nangyari. Si Pio, yung kasama niya, walang kilalang kaaway. Mukhang may kaugnayan ito sa trabaho.)

Dati nang nakaligtas mula sa saksak ng patalim si Ayao matapos niyang magbitiw sa ABS-CBN station sa Cotabato City.

Umaasa naman ang CHR na mapabilis ang imbestigasyon ng kanyang pagkamatay.

"Human rights advocates remain to be at risk in the country’s political climate at present, that’s why we urge the government to collaborate and protect those who champion for human rights rather than encourage any forms of attacks on them," panapos ni De Guia.

BANGSAMORO AUTONOMOUS REGION IN MUSLIM MINDANAO COMMISSION ON HUMAN RIGHTS EXTRAJUDICIAL KILLINGS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with