Inilahad ni Presidential Spokesman Salvador Panelo ang mga pro-labor initiatives na ikinasa ni Pangulong Duterte na nauwi sa paglagda ng ilang mga batas para sa kapakinabangan ng mga manggagawa.
Russell Palma
KMU binuweltahan ng Palasyo
Rudy Andal (Pilipino Star Ngayon) - May 2, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Binuweltahan ng Malacañang ang Kilusang Mayo Uno (KMU) at iba pang kaalyadong grupo nito sa harap ng patuloy na paninisi nito sa Duterte Administration sa akusasyon nitong anti-poor at anti-worker.

Inilahad ni Presidential Spokesman Salvador Panelo ang mga pro-labor initiatives na ikinasa ni Pangulong Duterte na nauwi sa paglagda ng ilang mga batas para sa kapakinabangan ng mga manggagawa.

Ilan na rito ang RA 11165 o ang work from home law, pagpapalawig sa maternity leave ng mga female workers o ang RA 11210, EO 51 na nagbibigay proteksiyon sa tenure ng mga manggagawa, pagkakaloob ng gratuity pay sa mga job order at contract service workers sa pamahalaan sa pamamagitan ng pag-iisyu ng Administrative Order No. 2 at iba pa.

Ipinagmalaki rin ni Panelo ang mga nagawa ng administrasyon para sa mga overseas Filipino worker na kung saan, naitatag ang one-stop service center para ?sa 24/7OFW Command Center ganundin ang Overseas Filipino Bank. 

KILUSANG MAYO UNO SALVADOR PANELO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with