Ito ang kinumpirma kahapon ng Department of Foreign Affairs (DFA) makaraang matagpuan ng mga Cypriot authorities nitong Huwebes ang isa pang bangkay na kabilang umano sa pitong katao na pawang kababaihan na pinatay ng isang self-confessed suspect.
3 Pinay pinatay ng serial killer sa Cyprus
Lordeth Bonilla (Pilipino Star Ngayon) - April 27, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Tatlong Pinay ang pinatay ng umano’y serial killer sa Cyprus.

Ito ang kinumpirma kahapon ng Department of Foreign Affairs (DFA) makaraang matagpuan ng mga Cypriot authorities nitong Huwebes ang isa pang bangkay na kabilang umano sa pitong katao na pawang kababaihan na pinatay ng isang self-confessed suspect.

Hindi na muna pina­ngalanan ang mga biktimang Pinay para sa kapakanan na rin ng mga naulilang pamilya nito, sabi ng DFA.

Ayon kay Charge d’Affaires Judy Barbara Robianes, ng Philippine Embassy sa Athens, ini-report sa kanilang tanggapan ng Cypriot authorities ang pagkawala ng tatlong Pinay, kung saan ang isa rito ay kasama ang kanyang anak na babae na pinaghahanap noon pang 2017 at 2018.

Ayon sa ulat, itinuro ng self-confessed suspect ang lugar kung saan niya itinapon ang isa sa kanyang mga pinatay. Natagpuan ang mga otoridad ang bangkay sa isang balon sa loob ng isang firing range faci­lity sa labas ng Nicosia, kapital ng Cyprus.

Nabatid din na isa pang babaeng Asian at Romanian at anak nitong babae ang kabilang sa mga pinatay ng suspek.

Natagpuan naman ang dalawang bangkay ng Pinay sa isang abandonadong mine shaft nitong Abril 14, habang patuloy na hinahanap ng mga otoridad ang anak na babae ng isa mga biktima.

Napag-alaman na  na-meet niya ang mga Pinay sa pamamagitan ng dating website.  

Ayon sa DFA, handa silang umayuda sa mga pamilya ng mga biktima para makamit ng mga ito ang hustisya.

Nasa Cyprus na rin ang mga kinatawan ng embahada ng Pilipinas para magkaloob ng assistance para sa imbes­tigasyon lalo na sa pag-provide ng DNA.

DEPARTMENT OF FOREIGN AFFAIRS SERIAL KILLER
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with