_ngayon
^

Bansa

2019, idineklarang ILO centenary

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon
2019, idineklarang ILO centenary
Nilagdaan ng Pangulo ang Proclamation 70 nitong Abril 24 kung saan bilang miyembro ng ILO ay kaisa ang bansa sa pagsisikap na isulong ang ‘ideals of the organization’.
Michael Varcas

MANILA, Philippines — Idineklara ni Pangulong Duterte ang taong 2019 bilang International Labor Organization (ILO) centenary.

Nilagdaan ng Pangulo ang Proclamation 70 nitong Abril 24 kung saan bilang miyembro ng ILO ay kaisa ang bansa sa pagsisikap na isulong ang ‘ideals of the organization’.

Muling siniguro nito ang suporta at kooperasyon ng Pilipinas sa ILO na isulong ang peace at social justice.

Inatasan din ni Duterte ang Department of Labor and Employment (DOLE) sa pakikipagtulungan ng mga employers at workers organization na pangunahan ang programa at aktibidad sa buong bansa kaugnay sa pagdiriwang ng ILO centenary.

Sinabi pa ng Pangulo sa kanyang kautusan na pangungunahan ng Presidential Communications Operations Office ang kampanya para sa ILO awareness sa buong bansa kaugnay na rin ng pagdiriwang ng sentenar­yo nito.

INTERNATIONAL LABOR ORGANIZATION
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with