Sinabi ni Sen. Sherwin Gatchalian, chairman ng komite na maliit ang magiging demand ng kuryente sa Mayo 13 kaya tiyak na hindi magkakaroon ng blackout.
Boy Santos
No blackout sa May polls tiniyak
Malou Escudero (Pilipino Star Ngayon) - April 26, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Tiniyak kahapon ng Senate Committee on Energy na walang mangyayaring blackout sa mismong araw ng eleksiyon sa Mayo 13.

Sinabi ni Sen. Sherwin Gatchalian, chairman ng komite na maliit ang magiging demand ng kuryente sa Mayo 13 kaya tiyak na hindi magkakaroon ng blackout.

Pero lumabas din sa pagdinig na tiyak na magkakaroon ng blackouts bago at pagkatapos ng halalan dahil tataas ang demand ng kuryente.

Idinagdag ni Gatchalian na kailangan ng maghanap ng karagdagang suplay pagkatapos ng halalan.

 “Actually yong canvassing (ng boto) is in danger dahil yong election walang pasok pero yong canvassing may pasok na (mataas na ang demand). Maghanap na sila ng additional supply. Ang safe lang dito yong May 13. After May 13 manipis na yong reserba natin,” dagdag ni Gatchalian.

Kabilang sa ikinokonsiderang “contingency measure” ang paggamit ng mga generators na katulad ng ginagamit sa mga malls pero hindi pa rin umano ito sapat.

Ipinunto pa ni Gatchalian na maraming kulang sa polisiya ng gobyerno dahil kapag may nasisirang planta awtomatikong naipapasa ito sa mga consumers kahit hindi naman sila ang may kasalanan sa pagkasira.

Iniimbestigahan na rin kung may nangyaring sabwatan kaya biglang nasira ang mga planta na nagresulta sa pagkawala ng kuryente.

SENATE COMMITTEE ON ENERGY SHERWIN GATCHALIAN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with