Batay sa survey, 9.5 porsiyento o tinatayang nasa 2.3 milyong kabahayan sa Pilipinas ang nakaranas ng gutom, mas mababa sa 10.5 porsiyento o 2.4 milyong kabahayan noong huling quarter ng 2018.
Miguel de Guzman
Bilang ng Pinoy na nagugutom nabawasan – SWS
Angie dela Cruz (Pilipino Star Ngayon) - April 26, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Bumaba ang bilang ng mga Pinoy na nagugutom sa bansa sa unang tatlong buwan ng 2019, ayon sa resulta ng survey na isina­gawa ng Social Weather Stations (SWS) noong Marso. 

Batay sa survey, 9.5 porsiyento o tinatayang nasa 2.3 milyong kabahayan sa Pilipinas ang nakaranas ng gutom, mas mababa sa 10.5 porsiyento o 2.4 milyong kabahayan noong huling quarter ng 2018. 

Bumaba din sa 387,000 pamilya ang nakaranas ng gutom sa Metro Manila. Mas mababa ito sa 581,000 noong Disyembre. 

Bumaba rin ang bilang ng mga nagugutom sa Mindanao sa 6.1 porsi­yento o 345,000 pamilya, mula 8.3 porsiyento o tinatayang 443,000 pamilya. 

Ngunit lumabas din sa survey na bahagyang tumaas ang mga nagugutom sa Balance Luzon, na nasa 10.3 porsi­yento o 1.1 milyong pamilya. 

Tumaas naman ang bilang ng mga nagugutom sa Visayas sa 10 porsi­yento o 472,000 pamilya. 

Naniniwala ang Mala­cañang na ang pagbaba ng bilang ng mga Pilipinong nagugutom ay bunsod ng “political will” at matibay na pamumuno ni Pangulong Rodrigo Duterte sa bansa. 

Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, patunay ang mga datos na epektibo ang mga hakbang ng gobyerno. (Rudy Andal)

SOCIAL WEATHER STATIONS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with