Ayon kay Angara, bagaman at anim na oras lamang ang “instruction time”, karamihan sa mga guro ay nagta-trabaho ng mas mahabang oras dahil sa iba’t ibang responsibilidad na dapat nilang gawin.
KJ Rosales
Optional retirement age ng guro gustong ibaba sa 55
Malou Escudero (Pilipino Star Ngayon) - April 26, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Isinusulong na sa Senado ang panukalang ibaba sa 55 ang optional retirement age ng mga guro sa mga pampublikong paaralan.

Ayon kay Angara, bagaman at anim na oras lamang ang “instruction time”, karamihan sa mga guro ay nagta-trabaho ng mas mahabang oras dahil sa iba’t ibang responsibilidad na dapat nilang gawin.

May mga guro rin na kahit nakabasyon ay kailangang magsilbi sa labas ng mga silid-aralan.

Sinabi ni Angara na kung ikokonsidera ang haba ng oras na pinagta-trabaho ng mga guro marapat lamang na ibaba sa 55 ang optional retirement age na ngayon ay nasa 60.

Naniniwala si Angara na bagaman at may kakulangan sa mga guro dapat ding irespeto at ikonsidera ang kalaga­yan ng mga masisipag na guro at bigyan sila ng pagkakataon na mag-retire ng mas maaga kung kanilang nanaisin.

Marami anyang public school teachers ang nagnanais na mag-retire ng mas maaga kaysa sa mandatory retirement age na 65 taong gulang kaya niya inihain ang Senate Bill 1872 na naka­binbin ngayon sa Senado.

OPTIONAL RETIREMENT AGE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with