^

Bansa

Proof of life sa gumuhong supermarket malabo na

Pilipino Star Ngayon
Proof of life sa gumuhong  supermarket malabo na
Iniimbestigahan din ng mga awtoridad ang posibleng ikaso laban sa may-ari ng nawasak na supermarket.

MANILA, Philippines — Ang mga rescuer sa gumuhong Chuzon Supermarket sa Porac, Pampanga ay wala nang makita hanggang kahapon ng umaga na meron pang natitirang buhay sa guho dalawang araw makaraang wasa­kin ito ng magniture 6.1 na lindol na yumanig sa maraming bahagi ng Luzon.

“Hanggang 6.45 na-last-panelling po nila sa life detector po na gadget nila. Wala pong na-detect. Pinaikot po ‘yung K9, just to confirm po, ay wala pa rin pong na-detect,” sabi ni Pampanga police chief Police Colonel Jean Salvador Fajardo.

“Search and rescue pa rin po though sinasabi nga po ng ating mga rescuers na as of now, wala pong proof of life,” Fajardo said.

“Pero we don’t want to end po ‘yung aming mga search operations because there is a possibility na magkamali po ‘yung K9 at ‘yung kanilang detector,” dagdag niya.

Naunang napaulat na limang tao ang namatay habang anim ang nasagip sa Chuzon supermarket na gumuho sa naturang lindol. Dose-dosena pa ang pina­ngambahang nakulong sa loob.

Iniimbestigahan din ng mga awtoridad ang posibleng ikaso laban sa may-ari ng nawasak na supermarket.

“Sa ngayon po wala pa pong naisasampang kaso po. ‘Yung ating mga namatayan po ay kasalukuyan pong nag­luluksa tapos po yung mga na-injure naman po ay yung iba po nasa ospital pa po,” Fajardo said.

“Pero meron na pong iba na nakuhanan ng statement po at pag-aaralan po ng ating opisina at CIDG po kung ano po yung mga kasong criminal po at administratibo pong puwedeng isampa sa may ari po ng Chuzon Supermarket,” dagdag niya. Nabatid na kinuwestyon na ng pulisya ang may-ari.

vuukle comment

CHUZON SUPERMARKET

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with