Idinulot ito ng kanilang paglabag sa Article 10.4 ng pinasukang concession agreement na nag-oobliga sa kanilang maghatid ng walang patid na sulay ng tubig.
The STAR/Edd Gumban, File photo
Manila Water humaharap sa P1.15-B multa
(Philstar.com) - April 24, 2019 - 11:53am

MANILA, Philippines — Pinarusahan ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System ang private water concessionaire na Manila Water bunsod ng kakulangan ng suplay sa tubig na naranasan sa Kamaynilaan at Rizal nitong nagdaang buwan.

Ayon sa ulat ng The STAR, pinagmulta ng mahigit-kumulang P1.15 bilyon ng gobyerno ang water service provider na pinagmamay-arian ng mga Ayala.

Idinulot ito ng kanilang paglabag sa Article 10.4 ng pinasukang concession agreement na nag-oobliga sa kanilang maghatid ng walang patid na suplay ng tubig sa mga service areas nito.

Ang kumpanya ang nagsu-supply sa anim na milyong katao sa silangang bahagi ng Kamaynilaan o "East Zone," kasama ng ilang lungsod at bayan sa probinsya ng Rizal.

Hiwalay pa ang ipinataw na penalty sa halos P500 milyong halaga na isasaoli sa mga consumer sa pamamagitan ng "fee waiving scheme" na ginawa ng Manila Water para maibsan ang perwisyong idinulot sa kanilang mga customer.

Kinumpirma naman ni Manila Water President Ferdinand dela Cruz na susunod sila sa desisyon oras na irekomenda ito ng MWSS Regulatory Office.

"This minimum charge ranges for our lifeline customers of P76 but it also goes to all kinds of customers — lifeline, domestic, semi-domestic, commercial, industrial so it ranges from P76 to P656 for industrial customers, which represents the 10 cubic meters," sabi ni Dela Cruz.

MANILA WATER MWSS WATER CRISIS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with