^

Bansa

Kumakalat na text tungkol sa magnitude 8 na lindol peke — NDRRMC

James Relativo - Philstar.com
Kumakalat na text tungkol sa magnitude 8 na lindol peke � NDRRMC
Aniya, ang mga opisyal na anunsyo ng kanilang tanggapan ay ipinapadala lamang gamit ang account na NDRRMC at hindi ng anumang numero.
File

MANILA, Philippines — Inabisuhan ng National Disaster Risk Reduction and Management Council ang publiko tungkol sa umiikot na mga mensahe patungkol sa diumano'y paparating na magnitude 8 na lindol, bagay na 'di raw totoo.

"Nais naming ipahayag na ang mga nasabing text messages ay mga 'hoax' at walang katotohanan," sabi ng NDRRMC sa isang tweet.

Katatapos lang kamakailan ng dalawang prominenteng lindol, una ang magnitude 6.1 na lindol mula sa Castillejos, Zambales nitong Lunes at ikalawa ang magnitude 6.5 na pagyanig mula sa San Julian, Eastern Samar.

Aniya, ang mga opisyal na anunsyo ng kanilang tanggapan ay ipinapadala lamang gamit ang account na "'NDRRMC' at hindi ng anumang numero."

Pinaalalahanan nila ang publiko na huwag magpadala sa mga "kahina-hinalang text messages" at iwasan mag-like, share o magpasa ng mga nasabing "pekeng mensahe."

"Gayunpaman, hinihinikayat ang lahat na maging alerto sa anumang banta ng sakuna o kalamidad," dagdag nila.

Ang NDRRMC ay responsable para pangalagaan ang kapakanan ng publiko tuwing may mga sakuna at emergency.

Pinangangasiwaan ito ng Office of Civil Defense sa ilalim ng Department of National Defense.

Maaaring magtungo sa opisyal na website ng NDRRMC at OCD para sa mga tamang impormasyon.

vuukle comment

EARTHQUAKE

HOAX

NDRRMC

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with