Iniutos din kagabi ng Pangulo ang suspensyon ng construction company na nagtayo ng Chuzon supermarket.
Contractor ng gumuhong supermarket mananagot – Digong
Rudy Andal (Pilipino Star Ngayon) - April 24, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nais papanagutin ni Pangulong Duterte ang contractor sa gumuhong Chuzon supermarket kung saan nalibing nang buhay ang ilang katao kabilang ang isang bata dahil sa pagtakas ng tumama ang 6.1 magnitude na lindol kamakalawa sa Porac, Pampanga.

Iniutos din kagabi ng Pangulo ang suspensyon ng construction company na nagtayo ng Chuzon supermarket.

Sa situational briefing ng Pangulo kasama si Pampanga Gov. Lilia Pineda sa kapitolyo kagabi, pinasisiyasat nito ang sanhi ng pagguho ng gusali gayung bago pa lamang ito at 4 na taon pa lang.

May hinala ang Pangulo na kaya mahina ang pundasyon ng 4-storey supermarket ay baka tinipid ang materyales nito kaya dapat imbestigahan.

Nakahanda naman ang DPWH upang imbestigahan ang gumuhong gusali sa Porac.

Pinuri rin ng Pangulo ang LGU ng Porac at ibang tumulong sa mabilis na search and rescue operations sa bumagsak na gusali.

Bago ang situational briefing, binisita ng Pangulo ang gumuhong gusali sa Porac at pinuntahan ang burol ng batang kabilang sa nasawi.

Sinagot ng gobyerno ang pagpapalibing sa mga nasawi gayundin ang pagpapagamot sa mga nasugatan. Pinagkalooban din ng Pangulo ng cash assistance ang pamilya ng namatayan sa bumagsak na supermarket.

CHUZON SUPERMARKET EARTHQUAKE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with