Sinabi ng Pangulo sa situational briefing sa Pampanga kagabi, hindi tambakan ng imported na basura ang bansa kaya ipapabalik na niya ito sa Canada.
Edd Gumban
Duterte ipinababalik ang basura ng Canada
Rudy Andal (Pilipino Star Ngayon) - April 24, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Iniutos kagabi ni Pangulong Duterte ang pagbabalik sa Canada ng itinapon nitong mga basura sa bansa.

Sinabi ng Pangulo sa situational briefing sa Pampanga kagabi, hindi tambakan ng imported na basura ang bansa kaya ipapabalik na niya ito sa Canada.

“I want a boat prepared. I’ll give a warning to Canada maybe next week that they better pull that thing out or I will set sail, doon sa Canada ibuhos ko ‘yang basura nila doon,” wika pa ng Pangulo.

Aniya, hindi siya papayag na kakayan-kayanin na lamang tayo ng Canada.

“I cannot understand why they are making us a dumpsite, and that is not the only case on point. Papasunod-sunod ‘yan na pinapadala yung basura sa atin. Well, not this time. Magkaaway kami ng... Eh, ‘di ano, awayin natin ang Canada. We’ll declare war against them, kaya man natin ‘yan sila. Isaoli ko talaga. Tignan mo. Ikarga mo ‘yan doon sa barko, load the containers to a ship, and I will advise Canada that your garbage is on the way. Prepare a grand reception. Eat it if you want to,” dagdag pa ni Pangulong Duterte.

CANADA GARBAGE
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with