Sinabi ni Go, sa oras na siya ay bigyan ng pagkakataon na manalo sa darating na halalan ay hindi lamang ang paggawa ng mga batas ang kanyang aatupagin, maging ang pagtulong sa mga kapus-palad ay kanyang prayoridad.
Opisina ni Bong Go, 24/7 na bukas para sa mga mahihirap
(Pilipino Star Ngayon) - April 24, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Inihayag ni dating Special Assistant to the President (SAP) Sec. Bong Go na bukas ang kanyang opisina sa loob ng 24 na oras para pagsilbihan ang mga mahihirap na mamamayan sa bansa.

Sinabi ni Go, sa oras na siya ay bigyan ng pagkakataon na manalo sa darating na halalan ay hindi lamang ang paggawa ng mga batas ang kanyang aatupagin, maging ang pagtulong sa mga kapus-palad ay kanyang prayoridad.

Ayon kay Go, nasanay na siya at natuto kay Pa­ngulong Rodrigo Duterte na hinaharap niya ang mga mahihirap araw-araw mula noong Alkalde pa lamang ang Pangulo.

Masasabi niyang kulang o hindi kumpleto ang kanyang araw, kapag walang lumapit na mahirap sa kanya para humingi ng tulong, tulad ng pambili ng gamot, bigas at iba pang importanteng pangangailangan.

Aniya, ang pagtulong sa kapwa ay walang pinipiling oras at lugar, basta’t may pagkakataon at mayroon namang pangtulong ay agad siyang tutugon.

Kasabay nito, nanawagan si Bong Go sa mga kaibigan nila ng Pangulo at mga supporters na medyo nakakaangat sa buhay na tumulong sa mga naging biktima ng lindol noong Lunes.

BONG GO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with