‘Big One’ paghandaan, Yolanda Part 2 iwasan - Tolentino
(Pilipino Star Ngayon) - April 24, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — “Ang pagmamalasakit sa mundo ay pagkalinga sa Pilipino.”

Ito ang dapat ga­wing gabay ng mga taong gobyerno sa pagdiriwang ng Earth Day, ayon sa pambatong senatoriable ng administrasyon na si Francis Tolentino dahil isa umano itong taunang paalala sa pangangaila­ngang pangalagaan ang kalikasan at pagsagawa ng mga hakbang upang ihanda ang mamamayan sa masamang epekto ng nagbabagong panahon.

Ayon kay Tolentino, na pangunahing naatasan ni Pangulong Duterte na tugunan noon ang mapanirang epekto ng Bagyong Ompong, pinagtibay umano ng kanyang karanasan bilang dating alkalde at MMDA Chairman ang paniniwala na kailangang magbuo ng isang ahen­syang ma­ngunguna sa pag-uugnay ng mga hakbang sa disaster preparedness, dahil iilan lang sa mga lokal na pamahalaan ang may kakakayahang tumugon sa banta ng kalamidad.

“Dapat matuto na tayo sa problema dati. Batid na natin ang kahahantungan kapag bigong ihanda ang mga bayan: libu-libong buhay ang nalalagas, bil­yun-bilyong piso ang pinsala. Tanging ang isang department of disaster resiliency ang iiwas sa atin sa Yolanda Part 2, o sa Big One,” giit ni Tolentino.

Pumasa na sa Kamara ang panukalang Department of Disaster Resilience (DDR) na ma­ngangasiwa sa mga gawain tungo sa pag-iwas, pagpapababa ng pinsala, pagtugon, at pagbangon tuwing may sakuna.

Umaasa si Tolentino na tatatapatan ito ng Senado ng sarili nitong bersyon sa papasok na Kongreso. 

“Kung hindi umabot, ang pagpapasa ng batas na ito ang magiging unang priority ko kung pagpa­palain akong makapasok sa Senado.”

FRANCIS TOLENTINO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with