^

Bansa

Kris isinugal ang mga kontrata para kay Bam

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Isinugal ni actress/TV host Kris Aquino ang kanyang mga kontrata sa endorsement para lang suportahan ang kandidatura ng pinsan na si Sen. Bam Aquino.

Kahit may mga pagbabawal sa kanyang kontrata bilang endorser, hindi nag-atubili si Kris na isapubliko ang kanyang suporta sa re-eleksiyon ni Sen. Bam sa isang press conference noong Lunes.

“I can’t say the word ‘vote’. I’m obeying several contracts that say bawal. As you can see, lawyers checked it for me kung ano ang puwede kong gawin. This is the closest that I could come and I could say the number, number nine,” wika ni Kris, na tinutukoy ang numero ni Sen. Bam sa balota na No. 9.

“As you can see, si Timi (wife of Sen. Bam) ang katabi ko at hindi ang kandidato. Inaral ng mga lawyers ko ang puwede kong magawa para makatulong sa kanila without me violating my contract dahil ayaw kong isoli ang pera nila. Sayang naman dahil nabayaran ko na iyong tax para doon. Ginawan namin ng paraan to the best of my ability,” dagdag  ni Kris.

Iginiit ni Kris na itinakda si Bam na maging lingkod-bayan dahil sa kanyang puso para sa mga kapwa Pilipino.

Nagpapasalamat din si Timi sa pagsuporta ni Kris kay Sen. Bam, lalo pa’t pinipili lang ng aktres ang kanyang mga sinusuportahan.

Ipinagmalaki naman ni Timi ang mga nagawa ng kanyang asawa sa Senado, kabilang ang libreng kolehiyo at Go Negosyo Act.

vuukle comment

BAM AQUINO

KRIS AQUINO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with