Inirerekomenda ni De Guzman, na chair rin ng Bukluran ng Manggagawang Pilipino, na maimbestigahan at maparusahan ang kumpanya kung mapatutunayan.
Twitter/Leody de Guzman
Mall kinastigo sa 'hindi pagpapalikas' ng manggagawa noong lindol
James Relativo (Philstar.com) - April 23, 2019 - 7:30pm

MANILA, Philippines — Hindi ikinatuwa ni Partido Lakas ng Masa senatorial bet Leody de Guzman ang mga bali-balitang hindi sumusunod ang ilang negosyante sa earthquake evacuation procedures sa gitna ng lindol noong Lunes.

Niyanig ng isang magnitude 6.1 na lindol ang malaking bahagi ng Luzon kahapon kabilang ang ilang lugar sa Kamaynilaan.

Sa isang viral Tweet, sinabi ng netizen na si @maykamaykaba na personal niyang nakita kung paanong hindi raw pinalalabas ng isang sikat na mall chain ang kanilang mga saleslady para protektahan ang kita ng negosyo.

"Kinokondena natin ang hindi pagpapalikas sa mga empleyado ng kanilang mga kapitalista sa kasagsagan ng lindol kahapon sa buong Luzon. Ipinapakita lamang nito na mas mahalaga sa kanila ang kanilang pribadong pag-aari kaysa sa buhay ng tao. Ito ay sagad-saring kahayukan sa tubo," ani De Guzman.

Ayon sa pamahalaan, mahigit 400 na aftershocks na ang naitala 18 oras matapos ang lindol.

Inirerekomenda ni De Guzman, na chair rin ng Bukluran ng Manggagawang Pilipino, na maimbestigahan at maparusahan ang kumpanya kung mapatutunayan.

Nangyari ang insidente isang linggo bago ang Mayo Uno, o Pandaigdigang Araw ng mga Manggagawa.

Ipinasasapubliko rin ni De Guzman ang mga patarakan ng dambuhalang mall sa kanilang mga empleyado sa panahon ng sakuna.

Sa reply ng isa pang netizen sa parehong thread, ibinahagi niya kung paanong sinasarhan daw ng mall ang entrance tuwing may blackout para walang makapag-"shoplift."

Ivinolonteer na rin ng BMP ang kanilang mga abogado't para-legal team para tulungan ang mga manggagawang nabiktima ng naturang gawi.

"Sa panahon ng sakuna, mas makikita ang totoong interes ng mga kapitalista, na siya ring isinusulong at pinoproteksyunan ng kongreso’t senado. Mas pipiliin nilang isasalba ang kanilang pag-aari kahit mailagay sa peligro ang mga manggagawa," dagdag ni De Guzman.

Nanindigan din siya na dapat gawing prayoridad ang karapatan sa disenteng pamumuhay kontra sa ari-arian ng "iilang mayayaman," bagay na dadalhin daw niya sa Senado kung papalaring manalo.

Kasama si De Guzman sa mga in-endorsong kandidato ng Labor Win at Makabayan coalition, na suportado ng Kaliwa at oposisyon.

Naglabas naman ng statement ang naturang mall kinagabihan kahapon at sinabing ipinatupad nila ang mga nararapat na gawin para sa kaligtasan ng lahat, taliwas sa mga pahayag sa itaas.

"We executed our emergency preparedness measures for everyone's safety," sabi nila.

Kinumpirma naman nilang walang nasaktan sa insidente at balik normal na ang kanilang operasyon.

EARTHQUAKE LEODY DE GUZMAN MALL
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with