Una nang naiulat ang 5.7 magnitude na lindol pero ito ay naitaas ng Phivolcs sa 6.1 magnitude dahil sa tindi ng lakas ng lindol.
Photos courtesy of Vhic Naluz, Hanz Ali
Luzon, niyugyog ng 6.1 magnitude na lindol
Angie dela Cruz, Raymund Catindig, Joy Cantos (Pilipino Star Ngayon) - April 23, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Niyugyog ng malakas na lindol na nasa 6.1 magnitude ang Luzon kasama ang Metro Manila at kalapit na mga probinsiya kahapon ng alas 5:11 ng hapon.

Napaulat kagabi na, ayon kay Pampanga Governor Lilia Pineda, merong limang tao na nasawi sa kanyang lalawigan dahil sa lindol. Marami rin anyang nagbagsakang poste ng kuryente na nagdulot ng brownout sa lalawigan maging ang isang arko rito at isang supermarket ang gumuho. Hindi pa makuha ang panga­lan ng mga nasawi habang isinusulat ito.

Ayon sa ulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), ang sentro ng lindol ay naitala sa may 002 kilometro ng hilagang silangan ng  Castillejos, Zambales.

Umaabot sa 021 kilometro ang  lalim ng  lupa ng naturang lindol at tectonic ang ugat ng natu­rang pagyanig.

Una nang naiulat ang 5.7 magnitude na lindol pero ito ay naitaas ng Phivolcs sa 6.1 magnitude dahil sa tindi ng lakas ng lindol.

Sinasabing mara­ming bilang ng tao sa Metro Manila at karatig lalawigan ang nakaramdam ng malakas na lindol dahilan para maglabasan ang mga nasa matataas na gusali.

Sinabi ni Phivolcs head Renato Solidum na malamang na guma­law ang Manila Trench o ang fault line sa  Zambales kayat nakasentro sa naturang mga lugar ang pagyanig.

Bunga nito, naram­daman ang lakas ng lindol sa Intensity 5 sa San Felipe, Zambales; Malolos at Obando, Bulacan; Quezon City; Lipa, Batangas; Manila City; Abucay, Bataan; Valenzuela City; Magalang, Pampanga, Intensity 4 naman sa Pasig City; Makati City; Caloocan City; Meycauayan at San Jose Del Monte, Bulacan; Floridablanca, Pampanga; Villasis, Pangasinan; Tagaytay City; Baguio City; Marikina City; Las Piñas City; Intensity 3 sa - Dasmariñas, Indang at Gen. Trias, Cavite; Lucban, Quezon; Muntinlupa City, Cabanatuan City; Palayan City; Gapan City; Santo Domingo at Talavera, Nueva Ecija at Intensity 2 sa  Baler, Aurora so we can feel it,” paliwanag ni Solidum.

Sinabi nito na wala namang tsunami warning  kahit na ang epicenter ng lindol ay sa lupa.

Ayon sa Phivolcs, inaasahan nila ang pagkakaroon ng aftershocks at pagkakaroon ng damage sa naganap na lindol.

EARTHQUAKE
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with