Ayon kay Justice Secretary Menardo Gue­varra, inatasan na niya ang fact-finding investigation na alamin at tu­kuyin ang may gawa ng video upang masam­pahan ng kaso.
Bikoy at utak ng ‘Totoong Narco List’ hinahanap na ng DOJ
Doris Franche (Pilipino Star Ngayon) - April 23, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Sinimulan na ng Department of Justice ang paghahanap sa utak ng  “Totoong Narco List” videos kung saan  sinasangkot ang pamilya ni Pangulong Duterte sa illegal drugs trade.

Ayon kay Justice Secretary Menardo Gue­varra, inatasan na niya ang fact-finding investigation na alamin at tu­kuyin ang may gawa ng  video upang masam­pahan ng kaso.

Aniya, particular niyang  inatasan ang DOJ Office of Cybercrime na makipagtulungan sa National Bureau of Investigation cybercrime unit upang matukoy kung sino ang may ka­ga­gawan nito.

Bukod sa  pagtukoy sa pagkakakilanlan kay alias “Bikoy” at ilang indibiduwal sa videos, inatasan din ni Guevarra ang kanyang mga tauhan na pag-aralan ang  posibleng kaso na isasampa laban sa mga ito.

Ipinaliwanag ni  Guevarra na ang criminal charges ay ibabase sa  ginawa ng mga nasa likod ng video.

DEPARTMENT OF JUSTICE MENARDO GUE­VARRA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with