^

Bansa

DOJ: Gobyerno 'lugi' sa $20-million settlement para sa martial law victims

Philstar.com
DOJ: Gobyerno 'lugi' sa $20-million settlement para sa martial law victims
Sabi ni Justice Secretary Menardo Guevarra, "lugi" ang gobyerno ng Pilipinas dito. 
The STAR/Miguel de Guzman, File

MANILA, Philippines — Sinuportahan ng Department of Justice ang pagtutol ng Office of the Solicitor General sa settlement agreement na magbabahagi sa $20 milyon na nakumpiskang yaman ng mga Marcos sa Estados Unidos para sa mga biktima ng batas militar.

Sabi ni Justice Secretary Menardo Guevarra, "lugi" ang gobyerno ng Pilipinas dito. 

"We are opposing the settlement agreement simply because it does not favor the interests of the government, which we are duty-bound to protect," paliwanag ni Guevarra kahapon.

(Tutol kami sa settlement agreement dahil hindi ito pumapabor sa interes ng pamahalaan, na sinumpaan naming proprotektahan.)

Sinabi naman niya na hindi ito nangangahulugan na gusto nilang harangin ang pagbibigay ng danyos sa mga martial law victims ngunit gusto lang daw nilang "makakuha ng mas magandang kasunduan para sa buong Republika."

"The government’s position is not antagonistic to the interests of martial law victims who are also citizens of our country, but to protect the interests of the republic as a whole," wika ng kalihim ng DOJ.

(Ang posisyon ng gobyerno ay hindi kontra sa interes ng mga biktima ng batas militar na mamamayan din ng ating bansa, ngunit para pangalagaan ang interes ng buong republika.)

Kinumpirma ni Guevarra na muling sinilip ng kanyang tanggapan ang terms ng kasunduan.

Isiniwalat kamakailan ni Calida na hindi papabor sa gobyerno ang settlement agreement sa kaso ng New York court dahil $4 milyon lang ang makukuha nito mula sa mga sale ng paintings na nakuha mula sa aide ng dating first lady at Ilocos Norte Rep. Imelda Marcos.

Hindi rin daw makabubuti sa 9,539 martial law victims ang deal dahil $1,500 lang daw ang kanilang makukuha habang naniningil naman ng $4.125 milyong attorney's fees ang kanilang abogadong si Robert Swift.

Sinabi rin ni Calida na in-oobliga ng panukalang settlement ang gobyerno na bigyan ng immunity si Vilma Bautista at ibasura ang mga kasong kinahaharap niya sa Sandiganbayan.

Si Bautista ang dating sekretarya ni Imelda Marcos na nahatulan matapos magbenta ng mga nakaw na paintings na pagmamay-ari ni Marcos at gobyerno ng Pilipinas, ayon sa ulat ng New York Post.

"The government cannot grant immunity to Vilma Bautista. She is a principal defendant in a case currently pending before the Sandiganbayan," dagdag ni Calida.

(Hindi puwedeng bigyan ng immunity ng gobyerno si Vilma Bautista. Principal defendant siya sa kasong kasalukuyang nakahain sa Sandiganbayan.)

Aniya, limitado lang daw sa mga saksi na kayang magbigay ng "material" at "relevant information" o mga tumetestigo laban sa defendant ng ill-gotten weath case ang kapangyarihan ng Presidential Commission on Good Government na magbigay ng immunity. 

Una nang naibalitang inaprubahan ni New York court Judge Katherine Polk Failla ang settlement deal at iniutos ang pagpapatupad nito.

Hangga't walang karagdagang "remedial action" na ginagawa ang gobyerno ng Pilipinas, sinabi ni Guevarra na maaaring maipatupad agad-agad ang court order.

Dati nang pumasok sa negosasyon ang PCGG sa kampo ng mga martial law victims, na nirepresenta ni Swift, na nagwagi sa $2 bilyong class action suit na inihain sa Hawaii taong 1995.

Sakop ng negosason ang $20 milyong halaga ng ari-arian na nakuha mula kay Bautista sa New York, kasama ang mga high value paintings.

Sa agreement, nakatakdang tumanggap ng $4 milyon ang gobyerno habang makatatangap naman ng $13.75 milyon ang mga biktima sa class action.

vuukle comment

DEPARTMENT OF JUSTICE

FERDINAND MARCOS

ILL-GOTTEN WEALTH

IMELDA MARCOS

MARTIAL LAW

SOLICITOR GENERAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with