Inireklamo ito matapos dumating ang mga ulat na nangunguha ang East Asian giant ng mga taklobo, isang endangered species, sa Scarborough Shoal (Panatag).
Release/Pamalakaya
DENR inudyok protektahan ang West Philippine Sea ngayong Earth Day
(Philstar.com) - April 22, 2019 - 10:56pm

MANILA, Philippines — Nagtipon sa central office ng Department of Environment and Natural Resources ang ilang mangingisda't environmental groups para iprotesta ang diumano'y "pananahimik" ng departamento sa reclamation at paninira ng Tsina sa mga bahura ng West Philippine Sea sa pagdiriwang ng Earth Day.

Inireklamo ito matapos dumating ang mga ulat na nangunguha ang East Asian giant ng mga taklobo, isang endangered species, sa Scarborough Shoal (Panatag).

"As a top environment chief, we expect [Secretary Roy] Cimatu to be the most vocal critic of environmental plunder brought about by Chinese incursion and the Duterte government’s defeatist stand," sabi ni Fernando Hicap, pambansang tagapangulo ng Pambansang Lakas ng Kilusang Mamamalakaya ng Pilipinas.

Itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte si Cimatu, dating Armed Forces of the Philippines chief of staff, sa pwesto matapos i-reject ng Commission on Appointments si Gina Lopez bilang Environment secretary.

Ayon kay Hicap, dapat daw ay nangunguna ang sekretarya sa pagprotekta sa West Philippine Sea, na hitik sa likas-yaman, mula sa "environmental plunder" na ginagawa ng mga dayuhan.

Iligal din daw ang okupasyon ng Tsina sa halos buong South China Sea, kabilang ang 80% ng West Philippine Sea.

"[B]ut apparently, Cimatu doesn’t have the courage to assert our sovereign rights to China in the name of defending the rich ecosystem of West Philippine Sea," dagdag ng Pamalakaya.

Umaabot na raw sa 40,000 acres ng reefs ang nasira dahil sa diumano'y agresibong panghihimasok ng Tsina sa marine waters ng Pilipinas habang "walang ginagawa" para ipatupad ang kasalukuyang conservation laws and policies.

"We haven’t even heard any single statement of condemnation from Secretary Roy Cimatu who fails to fulfill the mandates entrusted to him," dagdag ni Hicap, na dating representante ng Anakpawis.

Sa kabila nito, makailang beses nang naghain ng diplomatic protest at note verbale ang tanggapan ng Department of Foreign Affairs para tutulan ang mga mga aksyon ng Tsina sa pinag-aagawang teritoryo.

Gayunpaman, matatandaang sinabi ni DFA Secretary Teodoro Locsin Jr. na walang nakikipagdigma dahil lang sa mga giant clams at pagkain.

Noong isang linggo, sinabi ng DFA hindi nila alam na merong mga taklobo sa nasabing lugar

"We are not just being robbed of our precious yet endangered giant clams, Filipino fishers are also being curtailed of right to livelihood and freedom of access to their common fishing grounds," kanyang panapos. – James Relativo

DEPARTMENT OF ENVIRONMENT AND NATURAL RESOURCES EARTH DAY WEST PHILIPPINE SEA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with