^

Bansa

‘Mini Boracay’ sa Baseco dinagsa

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
�Mini Boracay� sa Baseco dinagsa
Ang “mini Boracay” sa Baseco na dinagsa kahapon ng mga residente.
KJ Rosales

MANILA, Philippines —  Umabot sa mahigit 5,000 ang nag-swimming kahapon sa dinarayong “Baseco mini Boracay” sa Manila Bay.

Halos araw-araw ay dinadagsa ang nasabing lugar ‘di alintana ang posibleng makuhang sakit dahil sa polusyon dala ng mga basura, langis at waster water mula sa mga kalapit na establi­simyento.

Suot ang kanya-kanyang swimwear, ang iba ay may dala pang mga tent at mistulang picnic ground din ang baybayin dahil sa mga baon na pagkain ng pami-pamilya at mga grupo na nagbonding kasama pa ang mga alagang aso.

May entrance fee sa Baseco beach na P5.00 sa bata at P10.00 sa matanda, na pondo umano para sa pagbabayad ng tagalinis at taga-ayos ng lugar.

Naniniwala ang mga iba pang dumarayo na hindi naman sila nagkakasakit kaya pabalik-balik lamang sa paliligo doon sa kabila ng paulit-ulit na babala ang Department of Health (DOH) na maaring makakuha ng iba’t-ibang sakit tulad ng skin diseases, diarrhea, gastroenteritis, skin diseases, hepatitis A, at typhoid fever dahil hindi pa sapat ang ginawang rehabilitation kamakailan.

Wala na ring magawa ang Manila Police District (MPD) para pagbawalan ang mga maliligo kundi mag-antabay na lang sila para sa seguridad ng mga ito.

vuukle comment

MANILA BAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with