Pangilinan muling sinisi ni Duterte sa pagdami ng mga batang kriminal
Malou Escudero (Pilipino Star Ngayon) - April 21, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Muling sinisi ni Pa­­ngulong Rodrigo Duterte si Senator Francis “Kiko” Pangilinan dahil sa pagdami ng mga batang kriminal.

Sa kanyang talumpati sa campaign rally ng PDP-Laban sa Batangas City noong Miyerkules, sinabi ng Pangulo na noong, hinabaan ni Pangi­linan ang edad na hindi maaring sampahan ng kasong criminal, mas dumami ang mga magnanakaw at mga batang gumagawa ng krimen.

“Noong nagpasa si Pangilinan Senator ng batas, sabi niya hinabaan niya 15 years old. Kaya nakita ninyo ‘yung mga nagnanakaw sa EDSA, takbo, tapos pag nahuli ng pulis ‘yan at pumunta ang ama’t ina, may dalang birth  certi­ficate, pagka-15 below, release yan, irrespective of the crime,” sabi ng Pangulo.

Sinabi pa ng Pa­ngulo na kahit pa mang-rape o pumatay at magnakaw ng mga batang wala pang 15 taong gulang ay nakakawala lamang sila.

Idinagdag pa ng Pangulo na ang mga batang palaging gumagawa ng krimen pero hindi naman nakukulong ay hindi na natatakot at sila ang nagiging big time na mga krimen paglaki nila.

“Ngayon, ang nangyari ganito. Release nang release lahat ‘yan, ni walang isang minutong lecture na sabihin mo, “Hoy bata, g*** ko, ang ginawa mo masama ‘yan. Bawal ‘yan sa batas.” Ganun. Not even a lecture of what accountability is. Eh hindi matatakot. Wala, release nang release. Maglaki ito ngayon, ito na ‘yung mga big time na criminals. Ang cranking ng utak nila, wala. Hindi sila takot,” sabi ng Pangulo.

 

KRIMINAL
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with