‘30 bakasyunista patay sa pagkalunod’ – PNP
Joy Cantos (Pilipino Star Ngayon) - April 21, 2019 - 12:00am

Sa loob ng 2 linggo

MANILA, Philippines — Umaabot na sa 30 katao o bakasyunista ang nalunod sa loob lamang ng dalawang linggo  sa panahon ng “Summer Vacation” sa iba’t-ibang bahagi ng bansa, ayon sa Philippine National Police (PNP) kahapon.

 Dahil dito, muli namang pinaalalahanan ni PNP Spokesman Police Colonel Bernard Banac ang publiko na isagawa ang kaukulang pag-iingat sa paglalangoy sa swimming pool, dagat, ilog at maging sa mga talon.

Gayunman, sa nasabing bilang ay hindi kasama ang dalawang kaso ng pagkalunod sa Calapan City at Pinamalayan sa Oriental Mindoro na naitala nitong Biyernes Santo.

Ayon kay Banac, mula Abril 5 hanggang Abril 18 ng taong ito ay nasa 30 katao na ang nalunod  kabilang ang ilang mga bata.

Pinaalalahanan ni Banac ang mga magulang na bantayang mabuti ang kanilang mga anak habang nagsi-swimming.

Idiniin pa ni Banac na karaniwan na ang insidente ng mga pagkalunod tuwing panahon ng bakasyon lalo na ngayong sobrang init ng panahon.

DROWN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with