Paglilikas ng Pinoy sa Libya sinimulan
Lordeth B. Bonilla (Pilipino Star Ngayon) - April 21, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nagsimula nang ili­kas ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang mga Pilipino mula sa Tripoli, Libya  upang hindi madamay ang mga ito sa kaguluhang nagaganap sa natu­rang bansa.

Ang unang batch na inilikas ng embahada ng Pilipinas ay ang tatlong hospital workers at apat na estudyante na dinala muna sa Tunis at nakatakdang uuwi ang mga ito ng Pilipinas.

Ayon kay Embassy Chargé d’Affaires Elmer G. Cato, ang 13 pang Pinoy na humi­ngi ng tu­long para sa pagpapa­uwi sa mga ito ay inaasahang ililikas sa susunod na mga araw. 

Nabatid na ang em­bahada ng Pilipinas ay tinutulungan ng augmen­tation teams mula sa  Office of Migrant Workers Affairs, na nakabase sa Tripoli at Tunis sa pamumuno ni Executive Director Enrico Fos at Director Iric Arribas. 

Ayon sa DFA, sasa­gutin ng ahensiya ang repatriating coast ng apat na estudyante na nagmula sa Islamic school  sa  Tripoli samantalang ang Overseas Workers Welfare Admi­nistration (OWWA) ang sasagot sa airfare ng tatlong kawani ng Ali Omar Ashkar Hospital sa labas ng Tripoli.

Sinabi pa ni Cato na, sa 1,000 Pinoy na nasa Libya, 20 lamang dito ang  humingi ng tulong na makauwi ng Pilipinas sa kabila ng mariing panawagan ng DFA na umuwi na sila upang huwag maipit sa kaguluhang nagaganap sa nabanggit na bansa.

PINOY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with