Dagdag nila, tila naging tradisyon na para sa ilan na babuyin ang mga sikat na pilgrimage destinations sa probinsya ng Bulacan at Rizal tuwing Cuaresma.
Release/EcoWaste Colation
Iniwang kalat sa pilgrimage sites ikinalungkot ng EcoWaste
(Philstar.com) - April 19, 2019 - 6:21pm

MANILA, Philippines — Sa kabila ng mga abiso sa public address system, pinili pa rin ng ilang deboto na mag-iwan ng tambak na basura sa mga religious sites na dinarayo tuwing Semana Santa.

'Yan ang ikinadismaya ng grupong EcoWaste Coalition sa kanilang pahayag na kanilang inilabas ngayong Biyernes.

"We regret that our appeal for a garbage-free Holy Week remain unheeded as many devotees, without any sense of guilt or shame, left their discards anywhere," sabi ni Aileen Lucero, national coordinator ng EcoWaste Coalition.

Dagdag nila, tila naging tradisyon na para sa ilan na babuyin ang mga sikat na pilgrimage destinations sa probinsya ng Bulacan at Rizal tuwing Cuaresma.

Karamihan daw sa mga makikitang basura ay gawa sa papel at plastic na ginagamit ng mga bumibisita sa pagkain, pamamahinga, pagtulog at pag-inom.

Plastic bag, food packaging, tira-tirang pagkain at mga bote ng plastic daw ang karaniwang itinatambak sa mga naturang lugar.

"It’s apparent that many devotees have yet to appreciate the connection between the expression of our faith and our responsibility to take good care of our shared environment. Environmental apathy, sad to say, is still very prevalent," dagdag ni Lucero.

Sa Our Lady of Lourdes Grotto Shrine sa San Jose del Monte City, Bulacan, nakitang nakakalat ang mga tulugan na yari sa election campaign posters sa paligid ng simbahan, umaga ng Biyernes Santo.

Punong puno rin daw ng mga basura ang mga tapunan at kung saan-saan makikita ang mga ininumang bote.

Pero hindi lang 'yan ang nakita roon. "Aside from the usual rubbish, we were saddened to see bread given by good Samaritans lying on the ground or in garbage pile. What a waste!" dagdag niya.

Hindi naman daw kaiba ang itsura sa National Shhine of Divine Mercy sa Marilao, Bulacan.

Ang espasyo sa tapat ng higanteng Divine Mercy statue, na pinakamatangkad sa bansa, hindi rin pinatawad mula sa gabundok na basura.

Ganoon din ang kinasapitan ng Our Lady of Peace and Good Voyage Cathedral sa Antipolo City.

"The main stairs of the church were full of litter such as plastic bottles and plastic wrappers. Church volunteers were kept busy cleaning up the mess, wika ni Lucero. 

'Tagapangalaga, 'di may-ari'

Paalala nila sa publiko, respetuhin ang pagkasagrado ng mga naturang lugar.

Sabi ni Lucero, dapat daw ay mas mataas na pamantayan sa pangangalaga ng kalikasan ang itinatakda ng mga mananampalataya.

"Let us be reminded by what our bishops have said: ‘We are not owners of the earth," wika niya.

Tinutukoy ni Lucero ang pahayag ng Catholic Bishop's Conference of the Philippines na "Stewards, Not Owners," kung saan sinasabing ipinagkatiwala lang sa atin ang kalikasan.

Aniya, hindi ito pagmamay-ari ng sangkatauhan at dapat pangalagaan para sa mga susunod na henerasyon.

"We are its stewards, to keep and cherish and nurture its resources not only for ourselves but for future generations," panapos ni Lucero. – James Relativo

CHURCH GARBAGE HOLY WEEK
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with