Nag-resign si Carpio at piniling mag-early retirement, Martes.
The STAR/Boy Santos, File
Pagbibitiw ng Manila Water COO 'hindi sapat, kasuhan' — Colmenares
James Relativo (Philstar.com) - April 19, 2019 - 3:03pm

MANILA, Philippines — Kulang daw ang pagbibitiw sa pwesto ni Manila Water chief operating officer Geodino Carpio sa gitna ng nararanasang krisis sa suplay ng tubig, ayon sa isang militanteng senatorial candidate.

Ayon kay Neri Colmenares, dapat maparusahan ang dating opisyal ng water concessionaire at hindi basta hayaang makatakas sa pananagutan.

"They should be held accountable for their gross incompetence and they should be punished," wika ni Colmenares ngayong Biyernes.

Nag-resign si Carpio at piniling mag-early retirement, Martes.

Nagsilbi siya ng 22 taon sa kumpanya at naging prominente sa nakaraang dalawang buwan dahil sa kakulangan ng tubig sa east zone.

Kasalukuyan pa ring nakararanas ng water shortage ang maraming kabahayan sa Kamaynilaan ngayong tag-init

"The anguish and inconvenience they caused to their costumers cannot be assuaged by a mere resignation," sabi ni Colmenares, na chairperson din ng Bayan Muna.

Papalitan naman si Carpio ni Abelardo Basilio bilang acting COO ng Manila Water.

Dati nang isinisi ng Manila Water ang paputol-putol na serbisyo sa pagsadsad ng lebel ng tubig sa La Mesa Dam.

Gayunpaman, kumukuha rin ang Manila Water sa Angat Dam na wala pa sa critical level. Inaasahang sumadsad ito ngayong Abril.

Naghahanda na ng civil case ang grupo dahil sa pinsalang idinulot ng water shortage. Pinag-aaralan pa naman nila kung may mailalakip silang kasong kriminal sa reklamo.

"In this light we will file a case against them so that they will learn that they cannot break their contract with their customers and get away with it," ani Colmenares.

Matatandaang umamin si Manila Water chief executive officer Ferdinand dela Cruz na may mga paglabag ang kumpanya at kaukulang parusa rito.

"I think we cannot deny the breach in the 24/7 service because the people feel it. There is a prescribed penalty for it if it cannot be corrected in 15 days, 60 days, 150 days as enshrined," sabi ni Dela Cruz.

MANILA WATER NERI COLMENARES WATER CRISIS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with