Napuno ng mga pasahero ang domestic at international airports ng NAIA 3 na magbabakasyon ngayong Holy Week break.
Edd Gumban
Full alert sa Semana Santa!
Mer Layson (Pilipino Star Ngayon) - April 18, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nakataas na sa full alert status ang Phi­lippine National Police (PNP), Bureau of Fire Protection (BFP) at Bureau of Jail Management and Peno­logy (BJMP) sa buong panahon ng Holy Week.

Ayon kay Department of Interior and Local Go­vernment (DILG) Sec. Eduardo Año, ang mga kriminal ay hindi nagpapahinga kaya marapat lamang na hindi rin sila magpapahinga para mapanatili ang kaayusan at katahimikan sa buong bansa ngayong Semana Santa.

“Bawal muna magpahinga sapagkat ang Semana Santa ay panahon din ng mga mapagsamantala,” sabi ni Año.

Inatasan din ni Año ang lahat ng Local Go­vernment Units (LGUs) na i-mobilize ang lahat ng kanilang law and traffic enforcers, gayundin ang kanilang public safety officers.

Pinapa-secure ng DILG chief ang lahat ng simbahan, religious destinations, at vacation spots upang panatilihin ang katahimikan at kaayusan sa buong bansa.

Iniutos din ni Año sa PNP na makipag-coordinate sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na bantayan ang mga bus drivers at tiyakin hindi gumagamit ng droga sa kanilang pagmamaneho.

“Nasa kamay ng ating mga bus driver ang kaligtasan ng ating mga kababayan sa pagbiyahe nila pauwi sa kanilang mga probinsya para gunitain ang Semana Santa kaya bawal ang adik na driver sa kalsada,” pahayag ni Año.

Ani Año, kabu­u­ang 91,000 personnel mula sa PNP ang kanyang ipinakalat para bantayan at hindi maging biktima ng mga criminal elements ang bawat isang mamamayan.

Maging ang BJMP ay itinaas sa full alert status dahil sa inaasahang pagdagsa ng mga “jail visitors” ngayon Holy Week.

Habang ay BFP ay naglagay na ng kanilang mga ambulansiya para sa emergency medical services sa iba’t-ibang major thoroughfares para mag-assist ng mga motorista na mangangaila­ngan ng medical attention. Joy Cantos

SEMANA SANTA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with