Heat stroke sa loob ng sasakyan iwasan - DOH
Doris Franche (Pilipino Star Ngayon) - April 18, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Kasabay ng pagdagsa ng mga biyahero, ibinabala ng Department of Health (DOH) ang posibilidad ng pagkakaroon ng heat stroke habang nasa loob ng sasakyan bunsod na rin ng pagtaas ng temperatura.

Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, nakapagdudulot ng heat stroke ang agarang pagpasok sa sasakyan na matagal na naka-park at nakababad sa sikat ng araw.

Mahahalintulad na aniya ito sa pagbibilad sa araw na magdudulot ng dehydration at pagtaas ng temperatura ng katawan.

Bukod sa heat stroke, sinabi ni Duque na maaaring makapagdulot din ng cancer ang agad na pagpasok sa sasakyang nakabilad ng matagal sa init ng araw.

Naluluto kasi aniya ang ilang materyales sa sasakyan na magreresulta sa pagre-release nito ng benzene na isang carcinogenic.

Dahil dito, pinapayuhan ang mga motorista o biyahero na buksan muna sandali ang kanilang mga sasakyan bago pumasok sa loob para naka-circulate na ang hangin at iwasan na rin muna ang mag-park sa mga lugar na tutok sa sikat ng araw.

 

HEAT STROKE
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with