Bawal mangampanya sa Huwebes, Biyernes Santo
(Pilipino Star Ngayon) - April 18, 2019 - 12:00am

Comelec sa mga kandidato

MANILA, Philippines — Pinaalalahanan ng Comelec ang mga kandidato na iwasan muna ang pangangampanya ngayong Holy Week, lalo na sa Huwebes Santo at Biyernes Santo.

Iginiit ni Commissioner Luie Guia na ang mga araw na ito ay itinuturing na “quiet period” alinsunod na rin sa Comelec Resolution No. 19429 na nagbabawal sa pangangampanya sa Abril 18 at 19.

Paparusahan ng isa hanggang anim na taong pagkakabilanggo, pagbabawalang humawak ng anumang posisyon sa gobyerno at tatanggalan ng karapatang bumoto ang sinumang lalabag dito.

Ayon kay Guia, sakop ng resolusyon na ito ang mga motorcade pati na rin ang television at radio campaign advertisements.

CAMPAIGN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with