Nagbanta si Pangulong Duterte na ilalabas niya ang isang foreign intelligence report kung saan ay may koneksyon ang mga human rights groups sa paninira sa kanya.
PCOO FB Page
Foreign intel report vs human rights groups ilalantad ni Digong
Rudy Andal (Pilipino Star Ngayon) - April 18, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nagbanta si Pangulong Duterte na ilalabas niya ang isang foreign intelligence report kung saan ay may koneksyon ang mga human rights groups sa paninira sa kanya.

Sinabi ito ng Pangulo kasunod ng alegasyon ng kanyang mga kritiko kung saan maski ang kanyang 14-anyos na anak na si Kitty ay isi­nangkot sa illegal drugs.

“Kayong mga black propaganda, pati ‘yang anak ko na si Veronica, 14 years old, drug addict? May ipalabas ako you just wait,” wika ng Pangulo sa PDP-Laban campaign rally sa Tuguegarao City, Cagayan.

“What you did not know is that you are being listened to habang ginagawa ninyo ‘yang mga kalokohan niyo. Ilabas ko ‘yan in a few days, pine-perfect ko lang ang ano. It was an intelligence report not from us but from another country,” dagdag pa ng Pangulo.

Magugunitang inihayag ng Palasyo na ang narcolist na inilabas ay batay sa impormasyon mula sa dayuhang mga bansa sa pamagitan ng wiretapping sa mga Filipino na pinaghihinalaang sangkot o nagbibigay proteksyon sa illegal drugs pero binawi kalaunan at sinabing palagay lamang nila ito.

Sa pinakahuling vi­deo ng isang alyas Bilog na pinamagatang ‘ang totoong narcolist’ ay isi­nangkot din ang bunsong anak ng Pangulo na si Kitty at partner na si Ho­neylet Avancena.

“Tell them, pag sure oi. Napaka walang hiya ko naman na nanay kung ipangalan ko sa anak ko,” wika ni Avanceña na itinanggi ang alegasyon.

 

FOREIGN INTEL
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with