Binigyang-diin ng Ang Probinsyano na maliit na bahagi lamang o apat na porsiyento ang mga provincial bus sa kabuuang bilang ng mga sasak­yan na bumabagtas sa EDSA.
Russel Palma
Ban vs provincial buses sa EDSA kinontra ng Ang Probinsyano partylist
(Pilipino Star Ngayon) - April 18, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Tinutulan ng Ang Pro­binsyano Party­list ang  plano ng Metro Manila Development Authority (MMDA) na ipagbawal ang mga terminal ng mga provincial bus sa kahabaan ng EDSA.

Papahirapan lamang ng naturang plano ang mga probinsyanong ma­nanakay samantalang wala naman itong maiaambag upang maibsan ang mala-delubyong kalagayan ng trapiko sa EDSA, ayon sa Ang Probinsyano Partylist.

Binigyang-diin ng Ang Probinsyano na maliit na bahagi lamang o apat na porsiyento ang mga provincial bus sa kabuuang bilang ng mga sasak­yan na bumabagtas sa EDSA.  

Naniniwala rin ang Ang Probinsyano Partylist na walang kinalaman ang mga provincial bus sa matinding daloy ng trapiko sa EDSA sapagka’t hindi naman ito katulad ng mga Metro Manila bus na nagsasakay at nagbababa ng mga pasahero sa kahabaan ng naturang highway.

Bukod pa rito, karamihan sa mga provincial bus ay dumadating sa EDSA tuwing madaling araw at umaalis naman tuwing gabi kung kailan hindi na mabigat ang daloy ng trapiko.

Sa halip na pag-initan ang mga provincial bus, dapat pagtuunan ng MMDA ng pansin ang pagpapatupad ng tamang disiplina para sa mga Metro Manila bus drivers. 

Ayon sa grupo, ang isa sa pangunahing dahilan ng matinding trapiko sa EDSA ay ang pagsisiksikan ng mga MM bus sa mga sakayan at babaan upang mag-agawan ng makukuhang pasahero.

ANG PROBINSYANO PARTYLIST
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with