Ginawa ni Presidential Spokesman Salvador Panelo ang pahayag sa gitna ng pagmamatigas ng China na huwag paalisin ang kanilang mga barko sa paligid ng Pag-asa Island.
Palasyo sa China: Igalang ang napagkasunduan sa sea dispute
Rudy Andal (Pilipino Star Ngayon) - April 16, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Muling ipinaalala ng Malacañang sa China na dapat irespeto ang commitment nito sa bilateral talks nina Pangulong Rodrigo Duterte at Chinese President Xi Jinping na iwasang palalain ang tensyon sa South China Sea.

Ginawa ni Presidential Spokesman Salvador Panelo ang pahayag sa gitna ng pagmamatigas ng China na huwag paalisin ang kanilang mga barko sa paligid ng Pag-asa Island.

Sinabi ni Sec. Panelo, dapat igalang ng China ang mga napagkasunduan sa pagtrato sa mga pinagtatalunang teritoryo sa South China Sea at paalisin na ang mga Chinese militia sa Pag-asa Island na teritoryo ng Pilipinas.

Ayon kay Panelo, naghain na ng diplomatic protest ang Department of Foreign Affairs at hinihintay ang pormal na tugon rito ng Beijing.

Matapos nito, hintayin daw ang susunod na hakbang o desisyon ni Pangulong Duterte sakaling ayaw pa ring paalisin ng China ang kanilang mga barko sa Pag-asa Island.

Posibleng dalhin ng Pangulo ang isyu sa pagdalo nito sa 2nd Belt and Road forum sa Beijing sa susunod na Linggo kapag nag-usap sila ni Chinese President Xi Jinping.

RODRIGO DUTERTE SOUTH CHINA SEA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with