^
Fake news sa eleksiyon  binabantayan ng Comelec
Ayon kay Comelec Spokesperson James Jimenez, mahigpit silang naka-monitor sa mga taong nagpa­planong sirain o guluhin ang overseas absentee voting sa pamamagitan ng pagpapakalat ng mga pekeng impormasyon.
Michael Varcas

Fake news sa eleksiyon binabantayan ng Comelec

Doris Franche (Pilipino Star Ngayon) - April 16, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Binabantayan ng Commission on Elections (Comelec) ang posibleng paglaganap ng fake news kasabay ng pagsisimula ng overseas absentee voting.

Ayon kay Comelec Spokesperson James Jimenez, mahigpit silang naka-monitor sa mga taong nagpa­planong sirain o guluhin ang overseas absentee voting sa pamamagitan ng pagpapakalat ng mga pekeng impormasyon.

Aniya, nito lamang Sabado sa pagsisimula ng overseas absentee voting meron na agad lumabas na fake news matapos na magkaroon ng maliit na aberya sa Hong Kong.

Kaugnay nito, hinikayat ni Jimenez ang publiko na agad ipagbigay-alam sa kanila ang anumang impormasyon o balita kaugnay ng halalan para matukoy ang katotohanan sa mga ito.

Bagamat nagkaroon ng ilang aberya sa unang araw ng  ng absentee voting agad din naman itong naayos.

Dagdag ni Jimenez, malalaman lamang ang resulta sa May 13.

COMMISSION ON ELECTIONS FAKE NEWS OVERSEAS ABSENTEE VOTING
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with