pinahayag kahapon ng pamahalaan ng Pilipinas ang pakiusap sa pamamagitan ni Presidential Spokesman Salvador Panelo bago pa man dumalo si Pangulong Rodrigo Duterte sa 2nd Belth and Road Forum sa buwang ito sa China.
Pinas sa China: Mangingisdang Pinoy ‘wag gipitin
Malou Escudero (Pilipino Star Ngayon) - April 14, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nakiusap kahapon ang Pilipinas sa China na huwag gipitin ang mga mangingisdang Pilipino sa teritoryo ng Pilipinas sa South China Sea na maaaring magdulot ng gusot sa friendly diplomatic relation ng dalawang bansa.

Ipinahayag kahapon ng pamahalaan ng Pilipinas ang pakiusap sa pamamagitan ni Presidential Spokesman Salvador Panelo bago pa man dumalo si Pangulong Rodrigo Duterte sa 2nd Belth and Road Forum sa buwang ito sa China.

“Isang maprinsipyong paninindigan natin na dapat mamantini ang kapayapaan sa West Philippine Sea at dapat iwasan ng China ang mga gawain na magla­lagay ng peligro sa mga mangingisdang Pilipino sa naturang lugar,” sabi ni Panelo.

Nanawagan din si Panelo sa China na iwasan ang mga hidwaan na makakasira sa pagkakaibigan ng dalawang bansa at sa mga bilateral negotiation nila sa hinaharap.

Sa isang pulong balitaan sa Beijing, sinabi ni Chinese Foreign Ministry Spokesperson Lu Kang na ang Nansha Islands ay teritoryo ng China base anya sa historical at jurisprudential evidence.

Hinikayat naman ni Panelo si Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr. na magpalabas ng opisyal na pahayag sa naturang usapin.

Ang matapang na paninindigan ng Malakanyang sa paggiit sa arbitration ruling ng United Nations ay lumihis sa naunang mga pahayag ni Pangulong Duterte na pinaniniwalaan ng marami na napakalambot at palakaibigan sa Beijing.

Ayon kay Panelo na isa ring chief presidential counsel, sinasang-ayunan ng Malakanyang ang pahayag ng opisyal ng China na maaaring maayos ang hidwaan sa mapayapang negosasyon at konsultasyon ng dalawang bansa.

Gayunman,  iginiit ni Panelo na nanalo ang Pilipinas sa arbitral ruling na nagtamo ng makasaysayang karapatan ng Pilipinas sa Spratlys at tinanggihan ang nine-dash claim ng China sa teritoryo.

Samantala, sa social media platform na Twitter, sinabi ni Locsin na hinihiya ng China ang pamahalaan ng Pilipinas sa mga aktibidad nito sa West Philippine Sea.

“Ang nakakadismaya, kahit nakikipagkaibigan tayo sa China, patuloy nitong hinihiya ang ating pamahalaan sa pamamagitan ng paglaganap nito sa ating exclusive economic zone,” sabi pa ni Locsin. (May ulat nina Christina Mendez at Janvic Mateo)

SALVADOR PANELO SOUTH CHINA SEA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with