Nasa 4,000 tropang Pinoy ang lumahok sa war games habang nasa 3,500 ang Amerikanong sundalo at nasa 60 mula sa Australian forces bukod pa sa mga observer mula sa iba pang mga bansa.
US Navy/Mass Communication Specialist 2nd Class Kenneth Abbate
US tuloy sa pagpapalipad ng aircraft, paglalayag ng naval warship sa SCS
Joy Cantos (Pilipino Star Ngayon) - April 13, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines – Sa kabila ng babala ng China, magpapatuloy ang Estados Unidos sa pagpapalipad ng mga aircraft at naval warship nito sa South China Sea (West Philippine Sea).

Ito ang binigyang diin ni US Marine 3rd Expeditionary Force Commander Lt. Gen. Eric Smith sa pagtatapos kahapon ng Phl-US Balikatan 35-2019 joint military exercise.

“The United States will fly, sail and operate every­where international law allows. that’s it, wish we had a longer statement for you but that’s the simple truth,” sabi ni Smith.

Una rito, nagpahayag ng pagkaalarma si Chinese Foreign Ministry Spokesman Lu Kang sa presensya ng US WASP at F35 jet fighters sa lugar sa gitna na rin ng isyu sa pinag-aagawang teritoryo.

Ang USS WASP at (LHD-1) ay ang amphibious assault ship ng US forces habang ang F35 ay ang mga modern nitong fighter jets.

Nasa 4,000 tropang Pinoy ang lumahok sa war games habang nasa 3,500 ang Amerikanong sundalo at nasa 60 mula sa Australian forces bukod pa sa mga observer mula sa iba pang mga bansa.

 

WEST PHILIPPINE SEA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with