52 bgy. officials inireklamo, nangangampanya ng kandidato
Joy Cantos (Pilipino Star Ngayon) - April 13, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines – Inireklamo sa Commission on Elections (Comelec) ang 52 barangay officials dahil umano sa pagkiling sa pulitika kaugnay ng midterm elections sa Mayo 13.

Kabilang sa 52 ay mga bgy. chairman at mga opisyal ng Sangguniang Kabataan (SK) na namonitor na aktibong nangangampanya ng mga kandidato na kanilang pinapaboran.

Sinabi ni DILG Undersecretary Epimaco Densing III, nakatanggap sila ng mga reklamo mula sa mga residente.

Anya, bawal kumiling sa pulitika ang mga opis­yal ng Barangay dahil ‘apolitical’ ang kanilang hanay.

Kabilang sa mga inirereklamo ay mula sa Taguig City, Quezon City, Caloocan City, Misamis Oriental, Cavite at Bulacan.

Tanging ang Pangu­lo, Bise Presidente at iba pang halal na opisyal ang pinapayagang ma­ngampanya.

 

KANDIDATO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with