Magsasaka patuloy na tutol sa rice tariff law
MANILA, Philippines — Patuloy ang pagtututol ng mga magsasaka sa Cental Luzon sa ipinapatupad na Rice Tariffication Law ng pamahalaan.
Ito ay matapos magsagawa ng motorcade ang mga miyembro ng iba’t-ibang organisasyon at rural cooperatives sa Nueva Ecija mula San Jose City patungo sa Gapan para ihayag ang kanilang pagkadismaya sa rice tariffication na umanoy nagdudulot ng kaguluhan sa rice farms ng tinaguriang rice granary ng bansa.
Ayon kay Butil Partylist Rep. Cecil Chavez, ang kanilang mapayapang pagtitipon at motorcade ay nagbigay ng matinding mensahe sa negatibong impact ng rice import liberalization sa maliliit na magsasaka at sa food security agenda ng bansa.
- Latest