Nabatid kay Prosecutor General Richard Fadullon na dalawang counts ng murder at anim na counts ng attempted murder ang isinampa laban kay Baldo at anim pang suspek na sina Christopher Naval, Emmanuelle Roselle, Jaywin Babor, Henry Tyson, Rolando Arimado at Danilo Luella sa Legazpi Regional Trial Court (RTC).
Mayor Baldo kinasuhan na ng DOJ sa Batocabe slay
(Pilipino Star Ngayon) - April 5, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Patung-patong na kaso ang isinampa kahapon ng Department of Justice (DoJ) laban kay Daraga Mayor Carlwyn Baldo at 6 iba pa kaugnay ng pagpatay kay Ako Bicol Partylist Rep. Rodel Batocabe.

Nabatid kay Prosecutor General Richard Fadullon na dalawang counts ng murder at anim na counts ng attempted murder ang isinampa laban kay Baldo at anim pang suspek na sina Christopher Naval, Emmanuelle Roselle, Jaywin Babor, Henry Tyson, Rolando Arimado at Danilo Luella sa Legazpi Regional Trial Court (RTC).

“Murder is a non-bailable offense. Even if 6 counts of attempted murder is bailable they still will not be allowed to post bail kasi may 2 kaso [ng murder],” sabi ni Fadullon.

Disyembre 22, 2018 nang ambusin at mapatay si Batocabe at police escort nitong si PO1 Orlando Diaz habang dumadalo sa isang gift-giving sa mga senior citizens.

Si Baldo na dapat sanang katunggali ni Batocabe sa mayoralty race, ang itinuturong “mastermind”ng pananambang.

Pero mariin naman itong itinatanggi ng alkalde.

RODEL BATOCABE
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with