^

Bansa

Libre? 141 school fees pwedeng singilin sa SUCs, LUCs — solon

James Relativo - Philstar.com
Libre? 141 school fees pwedeng singilin sa SUCs, LUCs � solon
Naglabas kasi ng memo ang Commission on Higher Education tungkol sa 141 "disallowed fees" na hindi sakop ng libreng tuition fee sa mga pampublikong unibersidad at kolehiyo, sabi ng Kabataan party-list.
File

MANILA, Philippines — Kinundena ng ilang kabataan ang UNIFAST Board, na pinamumunuan ng Commission on Higher Education, sa pagpayag nitong magpataw ng mga karagdagang singilin sa eskwela.

Naglabas kasi ng memo ang CHED tungkol sa 141 "disallowed fees" na hindi sakop ng libreng tuition fee sa mga pampublikong unibersidad at kolehiyo, sabi ng Kabataan party-list.

"This is contrary to the spirit of the law and the aspiration of millions of Filipino youth and students who campaigned and fought for their right to free education," sabi ni Kabataan Rep. Sarah Elago.

(Salungat ito sa intenson ng batas at hangad ng milyun-milyong kabataan at estudyante na nangampanya at ipinaglaban ang karapatan sa libreng edukasyon.)

Ayon kay Elago, na bukod tanging representasyon ng kabataan sa Kamara, pagtatanggal ng mga bayarin ang esensya ng libreng edukasyon.

Nakarating din daw sa kanilang tanggapan ang ilang ulat mula sa Polytechnic University of the Philippines Maragondon at PUP Lopez na sinisingil sila ng mga bayarin gaya ng "certificate of grades fee."

Taong 2017 nang pirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagli-libre ng matrikula sa kolehiyo.

Sa kabila nito, umani ito ng batikos mula sa mga kritiko dahil tila binabawi lang daw ang nalibreng matrikula sa mga pinapayagang "redundant, exorbitant" at "dubious fees."

"Libre pero may bayad? Inaagaw ang tagumpay natin sa libreng edukasyon!" paliwanag ni Kabataan National President Angelica Reyes.

"We've already moved forward in our fight for free education. Let us not make a step back by allowing the government to reimpose 141 fees."

(Umusad na tayo sa pakikibaka natin para sa libreng edukasyon. Nawa'y hindi tayo humakbang paatras sa pagpapataw muli ng 141 singilin.)

Samantala, nakaamba rin ang pagtataas ng tuition para sa 1,400 pribadong eskwelahan ngayong taon.

Nanawagan naman ang grupo ng malawakang protesta bukas, ika-5 ng Abril, para ipakita ang pagtutol sa mga nasabing koleksyon.

Usapin ng pondo

Una nang sinabi ng Department of Budget and Management na hindi nila tinapyasan ang 2019 budget ng CHED ngunit ni-"rationalize" lang nang i-libre ang matrikula.

Gayunpaman, hindi pa rin naipapasa ang 2019 national budget sa Kongreso na gagamitin para sa tuloy-tuloy na implementasyon ng free education.

Magpapatuloy mag-operate ang gobyerno sa 2018 reenacted budget hangga't hindi pa napipirmahan ang expenditure program.

Tiniyak naman noon ni Sen. Bam Aquino, reelectionist at principal author ng Universal Access to Quality Tertiary Education Act, na 'di maaapektuhan ang pamamahagi ng libreng edukasyon sa kabila ng reenacted budget.

Nangako si House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo na "nalalapit" nang pirmahan ni Duterte ang panukalang P3.8 trilyong budget.

"I think it will be signed... But there’s already a date for us to go to Malacañang," sabi ng dating presidente at ngayo'y Pampanga 2nd district representative sa mga reporter nitong Miyerkules.

(Tingin ko pipirmahan na ito... Pero meron naman nang petsa ng pagpunta namin sa Malacañang.)

Wala naman sinabing petsa ang mambabatas kung kailan ito mapipirmahan.

Hindi pa rin tiyak kung anong mga bahagi ng General Apprpriations Bill ang maaaring i-veto ng pangulo.

vuukle comment

FREE EDUCATION

STATE UNIVERSITIES AND COLLEGES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with