Ayon kay Analiza Solis, head Climatology department ng PAGASA, ito ay dulot ng epekto ng global change kaya nararanasan ang matinding init laluna ngayong panahon ng El Niño phenomenon.
Edd Gumban
38º C init sa MM ramdam sa Abril
Angie dela Cruz (Pilipino Star Ngayon) - April 4, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Makakaranas ng patuloy na pagtindi ng tempe­ratura sa Metro Manila na maaaring pumalo sa 38 degrees celcius ngayong Abril hanggang sa Mayo.

Ayon kay Analiza Solis, head Climatology department ng PAGASA, ito ay dulot ng epekto ng global change kaya nararanasan ang matinding init laluna ngayong  panahon ng El Niño phenomenon.

Anya, hindi naman palagiang makakaranas ng 38 degrees celcius na temperatura ang Metro Manila pero pasundot-sundot itong mararamdaman sa buong summer season habang nasa bansa ang El Niño.

Ang mga lugar na matindi na anya ang nararanasang init ay ang North Cotabato, Palawan, Marinduque at MIMAROPA.

Binigyang diin ni Solis na mas mainit ang panahon kapag lumulubog na ang araw o sa gabi.

Nilinaw din nito na bagamat sa Mayo ay maulan na pero kung magkakaroon anya ng ulan ay mas malakas ito kaysa sa inaasahan dahil nasa panahon pa ang bansa ng El Niño.

EL NIñO PHENOMENON
Philstar
  • Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with