Ayon kay Marinduque Rep. Lord Allan Velasco, dapat na mag-invest ang Pilipinas para sa malinis na energy sources para mas marami pang kabahayan ang masuplayan ng kuryente.
Mas maraming wind, solar powers kailangan ng Pinas
(Pilipino Star Ngayon) - April 4, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Kailangan ng bansa ang mas marami pang wind at solar power para masuplayan ng kuryente ang milyong Filipino households partikular na ang mga nasa liblib at isolated na lugar na wala pang kuryente.

Ayon kay Marinduque Rep. Lord Allan Velasco, dapat na mag-invest ang Pilipinas para sa malinis na energy sources para mas marami pang kabahayan ang masuplayan ng kuryente.

Paliwanag ni Velasco, kamakailan lamang ay nilagdaan ni Pangulong Duterte ang pagsasabatas ng Energy Virtual One-Stop Shop (EVOSS) law na nagsasaayos ng permitting process ng power generation, transmission at distribution ng power projects, kaya dapat isulong ng pamahalaan ang environment-friendly at sustainable sources tulad ng solar at wind power.

Ang EVOSS law ay makakapanghikayat pa ng mas maraming local at foreign investment sa power sector kahit na anong teknolohiya ito at mag-aalis sa red tape na siyang nagpapahirap sa halaga nito at sa “ease of doing business” sa bansa.

Ayon pa kay Velasco, na chairman ng  House Committee on Energy, ang power consumption sa tatlong main islands sa Pilipinas ay tumaas ng  4 porsiyento o 94,370 gigawatt hours (GWh) noong 2017 hanggang nakaraang taon. 

“What the country needs is renewable sources of energy to meet the future demand for electricity. We should add more windmills, solar panels and hydro-electric energy producers. These are the areas where we need to attract investments and capital,” ayon pa kay Velasco.

LORD ALLAN VELASCO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with