^
Makati pa-BGC sa loob ng 3 minuto 'puwede na' sa bagong helicopter service
Tulad ng "pool" feature ng mga transport network vehicle service, kada upuan ang kinakailangang bayaran ng pasahero.
The STAR/Richmond Mercurio

Makati pa-BGC sa loob ng 3 minuto 'puwede na' sa bagong helicopter service

(Philstar.com) - April 3, 2019 - 2:26pm

MANILA, Philippines — Nagmamadali ka ba at kailangang umiwas sa trapiko? Kung may pera ka, 'di na problema 'yan.

Inilunsad na kasi ng kumpanyang "Ascent" ang unang helicopter ride-sharing platform sa Pilipinas.

Tulad ng "pool" feature ng mga transport network vehicle service, kada upuan ang kinakailangang bayaran ng pasahero.

Pero hindi lang ito basta pagco-commute "in style." Kasama rin kasi sa biyahe ang mga pamatid-uhaw.

"Book a helicopter flight in seconds and enjoy refreshments prior to takeoff at one of our dedicated heliports," sabi sa website ng tech startup.

Maaaring mag-book at lumapag sa mga sumusunod na lugar:

  • NAIA, INAEC Manila Hangar
  • Clark, INAEC Clark Hangar
  • BGC, St. Luke's Medical Center
  • Tagaytay, City Track Oval
  • Quezon City, SM City North EDSA
  • Makati, The Peninsula Manila
  • BGC, V&A Law Center

Ilang taon na ang nakalilipas nang magkaroon ng kahalintulad na helicopter service ang TNVS company na Grab.

Magkano naman?

Ipinapangako ng kumpanya ang "mura at convenient" na serbisyo.

Para sa biyaheng Ninoy Aquino International Airport-Bonifacio Global City, nagkakahalaga ito ng P6,900 at tatagal ng tatlong minuto.

Aabutin ka naman ng P25,900 kung sasakyan mo ang biyaheng NAIA-Clark, Pampanga at tatagal ng 30 minutos.

Tatagal naman ng 20 minutos ang biyaheng NAIA-Tagaytay sa presyong P21,900.

Narito ang kumpletong listahan ng mga presyo at ruta. Labas pa ang mga presyong ito sa value added tax.  James Relativo

HELICOPTER TRANSPORT NETWORK VEHICLE SERVICE TRANSPORTATION
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with