^

Bansa

‘Ninja cops’ iharap sa’kin

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon
�Ninja cops� iharap sa�kin
Matapos isiwalat ng Pangulo na kabilang sa ninja cops si dating PDEA official Lt. Colonel Eduar­do Acierto, hinahanap ngayon ng Presidente ang report ng PNP kung ano na ang development sa kaso ng mga pulis na sangkot sa pag-recycle ng mga nakumpiska nilang iligal na droga.

MANILA, Philippines — Sinisingil na ni Pa­ngulong Duterte ang Philippine National Police (PNP) hinggil sa ninja cops.

Matapos isiwalat ng Pangulo na kabilang sa ninja cops si dating PDEA official Lt. Colonel Eduar­do Acierto, hinahanap ngayon ng Presidente ang report ng PNP kung ano na ang development sa kaso ng mga pulis na sangkot sa pag-recycle ng mga nakumpiska nilang iligal na droga.

Binanggit ng Pa­ngulo ang pangalan ng iba pang ninja cops na hanggang ngayon ay hindi maiprisinta sa kaniya ng PNP at patuloy na nakapagtatago sa batas.

Kabilang dito sina P/Colonel Leonardo Suan at Jimmy Guban, P/Lt. Col. Lorenzo Bacia, P/Lt. Conrado Caragdag at P/Director Ismael Fajardo na dati ring nasa PDEA.

Ipinagtataka ng Pa­ngulo kung bakit nakakawala pa ang mga pulis na ito hanggang ngayon gayong mga batikan aniya sa mga iligal na gawain tulad ng pagtatanim ng mga ebidensiya, pagbebenta ng mga nakum­piskang iligal na droga, at pagtahi-tahi ng kwento sa kanilang mga operasyon.

Kung matatandaan, nag-alok pa ang Pangulo ng milyun-milyong pisong reward o pabuya, mahuli lamang ang mga ninja cops. 

vuukle comment

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

RODRIGO DUTERTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with