_ngayon
^
Bacteria na 'kumakain ng plastic' nakita sa Zambales
Umaasa ang mga researcher na magagamit ang kanilang discovery para masolusyunan ang problema sa basura dahil sa plastic.
The STAR/KJ Rosales, File

Bacteria na 'kumakain ng plastic' nakita sa Zambales

(Philstar.com) - March 28, 2019 - 6:49pm

MANILA, Philippines — Nadiskubre ang ilang microorganism na kayang "kumain" ng plastic sa isang hyperalkaline spring sa Zambales, dahilan para masimulan ang pag-aaral ng mga solusyon sa problema ng bansa sa basura.

Nakita ng ilang mananaliksik mula sa biology department ng University of the Philippines-Baguio ang apat na strains ng bacteria na kayang pabulukin ang low-density polyethylene, na kadalasang ginagamit sa mga plastic bag, cling wrap, bote ng shampoo at iba pang lalagyan.

Isinulat ang pag-aaral nina Denisse Yans dela Torre, Lee delos Santos, Mari Louise Reyes at Ronan Baculi at inilathala sa Philippine Science Letters noong isang taon.

Nakita ang mga bacterial strains na kayang bumulok sa LDPE sa mga siwang ng bato ng Poon Bato spring sa Botolan, Zambales.

Karaniwang hindi ito nabubulok sa kalikasan.

Lumalabas na apat sa siyam na bacteriang kanilang na-"isolate" mula sa bukal ang lubos na nagpababa sa bigat ng plastic polymer nang i-introduce dito sa loob ng 90 araw.

Matapos maubos ang plastic, nakitang ligtas sa kalikasan ang nilikhang dumi ng bacteria, sabi ng mga mananaliksik.

"Results revealed changes in physical structure and also chemical composition of the films. Another method which determined plastic utilization of the bacteria was the evident decrease in the weight of the films," sabi ng tanggapan ng UP Vice President for Academic Affairs tungkol sa pag-aaral.

"Protein analysis also indicated that bacterial cells could live and proliferate with films as the source of energy. Looking at the physical and chemical changes of the plastics before and after some time with the bacterial isolates, it was deduced that these minute organisms can possibly end plastic domination by making a meal out of it," dagdag nito.

Sa kanilang papel, sinabi ng mga researcher na maaaring nakuha ng bacterial strain ang kakayahang bulukin ang LDPE dahil sa pinamumugarang hyperalkaline environment.

Aniya, napatunayan na raw ng ibang studies sa ibang bansa na kayang bulukin ng mga organismong nabubuhay sa "extreme conditions" ang plastic.

Nakita ang mga bacteria sa isang bukal na naglalaman ng calcium, magnesium, sulfate, chloride at iron.

Umaasa ang mga researcher na magagamit ang kanilang discovery para masolusyunan ang problema sa basura dahil sa plastic.

"The results showed that selected microorganisms exhibited great potential for LDPE biodegradation, a discovery which can be used in reducing solid waste currently accumulating in natural environments."

Sa pag-aaral ng Global Alliance for Incinerator Alternatives na inilabas ngayong buwan, nakitang 164 milyong pirasong plastic sachet ang itinatapon sa Pilipinas araw-araw. 

Bukod pa iyan sa plastic shoppping bags, plastic labo bags at diaper na naiimbak sa mga anyong tubig at landfill.

GARBAGE PLASTIC RESEARCH
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with