^

Bansa

3 PNP officials sibak sa P2-B ‘paluwagan’ scam

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
3 PNP officials sibak sa P2-B �paluwagan� scam
Ang tatlong pinagsisipa sa puwesto ay kinilalang sina Col. Manuel Lukban, Col. Raul Supiter, at Lt. Col. Henry Viñas na ngayon ay isinasailalim na sa masusing imbestigasyon ng mga tauhan ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG).
Geremy Pintolo

MANILA, Philippines — Tatlong opisyal ng Philippine National Police (PNP) na pawang nakatalaga sa General Santos City, South Cotabato ang sinibak sa puwesto ni Department of Interior and Local Go­vernment (DILG) Sec. Eduardo Año bunsod ng P2-bilyong investment scam.

Ang tatlong pinagsisipa sa puwesto ay kinilalang sina Col. Manuel Lukban, Col. Raul Supiter, at Lt. Col. Henry Viñas na ngayon ay isinasailalim na sa masusing imbestigasyon ng mga tauhan ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG).

Ayon kay Sec. Año, ang pagsibak sa tatlo ay ginawa matapos matukoy na may kinalaman sila sa Pulis Paluwagan Movement (PPM) na nakalikom ng mahigit sa P2-bilyon mula sa iba’t ibang police officers, kanilang pamilya at mga kaibigan sa General Santos City at kalapit na probinsiya.

Bukod sa tatlo ay sina­sabing may 30 pang police personnel at sibil­yan ang nasa likod ng scam na na­ngangakong magbibigay ng 60-percent interest rate sa tuwing ika-15 araw sa bawat perang inilagak ng mga biktima sa PPM.

Noong una ay nai­bi­bigay naman umano ng mga lider ng PPM ang interest sa bawat investment ng mga biktima pero kalaunan ay puro talbog na ang tseke na ibinabayad sa kanila.(Rhoderick Beñez/Joy Cantos)

vuukle comment

EDUARDO AñO

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with