^

Bansa

Kandidato tsugi na sa teleserye, TV shows

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon
Kandidato tsugi na sa teleserye, TV shows
Batay sa patakaran ng Comelec, bawal ng lumabas sa telebisyon o pelikula ang mga aktor na kumakandidato sa mga lokal na posisyon tulad ng governor, vice governor, mga miyembro ng sanggunian, kongresista, mayor, vice mayor at konsehal simula Marso 29.

MANILA, Philippines — Pinaalalahanan ng Commission on Elections (Comelec) ang mga local candidates ng teleser­yeng “FPJ, Ang Probinsyano” na tapusin na ang kanilang karakter upang gampanan ang kanilang mga papel sa tunay na buhay.

Batay sa patakaran ng Comelec, bawal ng lumabas sa telebisyon o pelikula ang mga aktor na kumakandidato sa mga lokal na posisyon tulad ng governor, vice governor, mga miyembro ng sanggunian, kongresista, mayor, vice mayor at konsehal simula Marso 29.

Sa hanay ng mga kandidatong may programa sa telebisyon, pinakamarami ang mababawas sa teleserye ni Coco Martin na pawang gumaganap na kontrabida sa karakter ni Cardo Dalisay.

Kabilang dito sina Edu Manzano bilang Presidente Lucas Cabrera at kumakandidatong kongresista sa San Juan City; Jong Hilario, bilang Homer/Alakdan na reelectionist councilor sa Makati City na isa rin sa mga host ng It’s Showtime; at Mark Lapid bilang Anton Tigre del Mundo na kumakandidatong mayor sa Porac, Pampanga.

Nauna nang lumisan sa teleserye ang mga karakter nina Romulo o Pinuno na ginampanan ni dating Sen. Lito Lapid para sa pagbabalik niya sa Senado; Rommel Padilla bilang Baldo na kumakandidatong kongresista sa Nueva Ecija; at Roderick Paulate bilang Adonis at tumatakbong vice mayor sa Quezon City.

Sinabi ni Comelec spokesperson James Jimenez na maaari nang magkabit ng kanilang mga campaign materials ang mga kandidato sa local posts sa Biyernes.

vuukle comment

COMMISSION ON ELECTIONS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with