^

Bansa

Tolentino: LGUs isama sa pagresolba sa water crisis

Pilipino Star Ngayon
Tolentino: LGUs isama sa pagresolba sa water crisis
Sang-ayon din uma­no si Tolentino sa panukalang “apex water body” upang maging tagapag-ugnay sa pa­ngangasiwa ng lahat ng gawaing may kaugnayan sa tubig ngayon, ngunit iginiit nito na kailangang bigyan ng poder ang mga lokal na opisyal para maigarantiya ng mga ito ang kasapatan ng tubig sa kani-kanilang mga nasasakupan.
Miguel De Guzman

MANILA, Philippines — Dapat katuwang ng gobyerno ang lokal na pamahalaan sa opisyal na pagtugon sa krisis sa tubig, ayon kay senatorial candidate Francis Tolentino.  

Sang-ayon din uma­no si Tolentino sa panukalang “apex water body” upang maging tagapag-ugnay sa pa­ngangasiwa ng lahat ng gawaing may kaugnayan sa tubig ngayon, ngunit iginiit nito na kailangang bigyan ng poder ang mga lokal na opisyal para maigarantiya ng mga ito ang kasapatan ng tubig sa kani-kanilang mga nasasakupan.

“Kagaya ng alin mang mga usapin sa bansa, pagtugon man yan sa sakuna o sa peace and order, ang pakiki-ugna­yan sa pagitan ng national government at ng ating mga LGU ay mahalaga upang magarantiya na ang problema ay agarang matugunan,” giit ng dating alkalde at Metro Manila Development Authority (MMDA) Chairman.

Binanggit din ni To­lentino ang resulta ng isang pag-aaral ng Japan International Cooperation Agency (JICA) at ng National Water Resources Board (NWRB) noong 1998 na nagsasabing siyam na lungsod sa bansa, kabilang na ang Metro Manila, Davao, Baguio, Angeles at Bacolod, ay dumaranas na o dadanas ng kakulangan sa tubig pagdating ng taong 2025 dahil sa pagkasira ng mga pagkukunan ng suplay, paglobo ng populasyon, at mabilisang urbanisasyon. 

“Ngayon pa lang, nararamdaman na ang problema sa Maynila. Kaila­ngan natin na puspusang pagtrabahuan ito upang matiyak na ang problemang ito ay hindi tatama sa iba pang mga syudad sa bansa,” wika niya.

Isa umano sa kanyang mga prayoridad kapag nahalal sa Senado, ayon kay Tolentino, ay ang pagtitiyak na lahat ng batas ay nagsasaalang-alang sa papel ng mga lokal na pamahalaan.

vuukle comment

WATER CRISIS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with